Sen. Francis Tolentino sponsorship speech for P.S Res. No. 494

Sen. Francis Tolentino sponsorship speech for P.S Res. No. 494

Mr. President, dahil ngayon po ay biglang nagkaroon ng COVID-19, ipinagdiriwang po dapat natin ang Linggo ng Wika at ngayon din po ay araw ng isang dating Senate President Manuel L. Quezon, hayaan niyo pong isulong ko ang Senate Resolution 494, akda ng inyong lingkod, kasama po si Sen. Lacson at ang Senate President bilang pagkilala sa mga nagawa at pagbibigay ng sympathy kay dating senador Alfredo Siojo Lim, dating mayor ng Lungsod ng Maynila, dating kalihim ng DILG, dating Director ng National Bureau of Investigation.

Mahal na pangulo, una ko pong natatandaang nakaharap si Sen. Alfredo Lim, Mayor Alfredo Lim nung ako po ay alkalde ng Tagaytay kung saan siya ay naging guest speaker sa isang kolehiyo, yung dati pong Metro Tagaytay College. Siya po ay naging graduation speaker. At kami po ay parehong nasa entablado doon sa harap ng graduating class ng kolehiyong nabanggit ko. Kasama ang mga magulang, kasama ang mga senador, kasama ang mga estudyante. Mr. President, tandang tanda ko po nun, yung kaniyang talumpati na binibigyang halaga yung mga magulang na naroon sa bulwagan ng isang kolehiyo sa Tagaytay.

Pinasalamatan niya po ang mga magulang, mga guro, mga graduating members ng klase subalit ang hindi ko po makakalimutan Mr. President ay habang nagtatalumpati si Mayor Lim ay tumutulo po ang kaniyang luha. Tumutulo po ang kaniyang luha dahil ang sabi niya doon sa mga estudyante, tandang tanda ko po ito, to paraphrase, “Mapalad kayong mga mag-aaral dahil nasa harap ninyo at kasama ang inyong mga magulang.”

Hindi ko po naiintindihan yun kung bakit niya po sinasabi habang tumutulo ang luha. Kalagitnaan po ng kaniyang talumpati, ni Mayor Alfredo Lim, Sen. Lim ay siya po ay bumaba ng entablado at dumaretso po sa kaniyang sasakyan. Tandang tanda ko po ang kaniyang sasakyan, kasama lang po yung drayber, isang maliit na Honda CRV. At siya po ay umalis na. Hindi na po tinapos yung speech. Kaya po naiwan sa stage, ako po, yung dean, at ilang mga guro, lahat po ay nagtataka bakit po tumakbo si Mayor Lim sa sasakyan. Lumabas po sa auditorium na lumuluha, at umalis na, hindi na po namin nakita. Akala ko po nun Mr. President, ay magsi-CR lang subalit umalis na.

Nalaman ko po pagkatapos, yun palang kaniyang sinasabi sa mga mag-aaral na mapalad kayo, kasama ninyo ang inyong mga magulang, magkakaharap kayo ngayon, sa pagkilala sa inyong graduation ay dahil pala hindi niya nakaharap ang kaniyang mga magulang. Hindi niya nakasama sa graduation kahit minsan. Hindi nakasama sa kaniyang buong buhay dahil si Mayor Alfredo Lim, sa pagkakaalam ko at kwento rin niya sa akin, ay iniwan lamang bilang isang sanggol sa harap ng Hospicio de San Jose. S’ya po ay pinalaki lamang ng mga madre at kinuha ng kaniyang Tiyahin noong malaki-laki na siya at sinabing nasaan ba si Alfredo. Yun pong Tiyahin niya ang nagpalaki sa kaniya.

Nag-aral ng Abogasya sa University of the the East. Naging pulis ng Maynila. Naging western pulis district director, at malapit-lapit din po sa amin sa Tagaytay, Mr. President, nanungkulang matagal bilang hepe ng Philippine National Police, Superintendent ng Philippine National Police Academy, Mr. President, at naging National Bureau of Investigation Director, naging mayor ng Maynila, naging Senador na hindi niya tinapos ang kaniyang three years. At siya po ay bumalik muli sa kaniyang minamahal na lungsod.

Napakaraming beses po kami nagkaharap ni Mayor Alfredo Lim, hindi lang po noong siya ay Mayor pa, siya ay, tandang-tanda ko pa po ang suot niya at ito’y matatandaan din po ni Sen. Lacson, Sen. Dela Rosa, yun po bang boost jacket na masikip na parang sa metro-com noong araw. Ganyan po yung uniform dati ng ating kapulisan, talagang straight body, si Gen. Alfredo Lim.

Ang hindi ko po makakalimutan Mr. President sy nog ako po ay MMDA Chairman ako rin po ang Metro Manila council Chairman hindi po umaabsent sa meeting si Mayor Fred Lim  layât po ng patawag na meeting sa MMDA nandoon po yan, at mayroon po syang isang hiling sa akin noon na hindi ko makakalimutan hanggang ngayon, Francis marami akong bubuksang ospital pero gusto ko pag binuksan ko yung Sta.Ana Hospital sa Sta. Ana Manila ay pumunta ka. Mag inaugurate tayo doon. May dialysis machine, napakagandang Ospital. Lagi ko po nadadaanan yang Sta. Ana Hospital kapag nag so-short-cut po ako papuntang Mandaluyong dadaan po ng Kalentong, Shaw Boulevard. 

Nakakapag-taka lang Mr. President noon sya po ay nasa malubhang kalamayan na dahil sa Covid-19 pinilit po nyang pumunta sa Ospital ng Sta. Ana at doon po sya pumanaw Mr. President. Isang pagpapakita na hindi na pinili na pumunta sa malalaking Ospital, doon po sya pumunta sa Ospital kung saan kasama nya ang kanyang mga kababayan.

Naburol po sya Mr. President ng ilang araw sa Ascuncion, Tondo sa lungsod ng Maynila, bagama’t na-cremate na sya. Sinabi ko din kay Mayor Fred Lim, alam mo Mayor Lim talagang magkakaharap yung ating landas kasi ang lolo ko ay tumira dyan sa Padre Rada isang hakbang lang mula sa bahay nila Mayor Alfredo Lim. 

Bagama’t hindi nagtagal sa Senado si Mayor Lim, si Senator Lim, malaki po ang naiwan nyang ambag at legacy sa bulwagang ito. Mr. President, sya po yung nagsabi at tandang-tanda ko po yung kanyang mga kinabit sa Roxas Boulevard na mga karatula gamit yung mga maliliit na plywood, “the law applies to all or none at all” Mr. President hindi po makakalimutan yan ng mga taga lungsod ng Maynila.

Nagtapos ng sekondarya sa Far Eastern University noong 1948, nagtapos ng Bachelor’s degree at Bachelor of Law sa University of the East, at nagkaroon po ng isang Master’s degree in National Security Administration with Honours sa National Defense College of the Philippines, Doctor of Philosophy of Criminology sa Philippine College of Criminology.  

Mahaba-haba na po ang nagawa at iniwan sa lungsod ng Maynila ni Mayor Lim. Ang hindi po natin makakalimutan, kung papaano niya po nilinis ang Ermita at Malate sa lungsod ng Maynila. Kung paano niya po sinimulan ang war on drugs sa lungsod ng Maynila. Kung paano niya po tinayo ang City College of Manila sa lungsod ng Maynila doon po sa dating Philippine National Bank building sa Escolta, Manila. Ang sabi niya, gusto niyang umunlad muli at makilala muli ang Escolta sa Lungsod ng Maynila. Napakahaba pa po kung babanggitin ko lahat ito, Mr. President. Bilang Senador, marami po siyang bills na nai-file kagaya po ng pagbibigay ng libreng medisina sa mga indigent patients at yun pong pagbabawal ng pagha-harass sa mga kamag-anak ng mga naka-burol na hindi pa nakabayad sa punerarya at marami pa hong iba, Mr. President.

He received several awards including the Outstanding Achievement Medal for Professional Competence sa PNPA Superintendent. Hindi ko po makakalimutan at naalala rin siguro ito ni Sen. Dela Rosa at Sen. Lacson, bata pa ho ako nun, yung unang hazing po doon sa PNPA ay palagay ko po naresolba yan ni Gen. Alfredo Lim, noong panahong yon.

Isang hall of fame awardee ng kapulisan at kung ako po Mr. President, ay humawak din ng Metro Manila Film Festival, ng mga nagdaang panahon, ang hindi ko po makakalimutan ay nung meron pang Manila Film Festival kung saan si Mayor Lim mismo ang umawat doon sa nakitang dayaan doon sa pagbibigay ng awards. Kung matatandaan po ninyo, ito yung ‘take it, take it’ incident, Mr. President. Nagpapatunay na talagang handa po si Mayor Lim na kahit matigil yung programa, maipakita lang yung integridad ng ng Film Festival.

Mr. President, nakikiramay po ang Senado,  nakikiramay po ang lahat sa mga kababayan ni Mayor Lim, sa lungsod ng Maynila. Nakikiramay po tayo sa kaniyang pamilya, na ngayon sa aking balita ay naaapektuhan pa rin ng COVID-19. Nakikiramay po tayo sa lahat ng mga naging kaibigan ni Mayor Lim sa Manila Police District, sa City Hall ng lungsod ng Maynila, sa mga nakasama niya sa Senado, sa lahat po ng nabigyan ng hustisya nung siya po ay nasa National Bureau of Investigation pa.

Si Mayor Lim po ay hindi malilimutan ng sambayanan bilang isang tunay na alagad ng batas. Bilang isang tunay na lingkod ng bayan. Bilang isang tunay na Pilipino.

Mr. President, I move for the adoption of Senate Resolution 494, in recognition of a great man who once walked in this august hall, Senator Alfredo Siojo Lim. Maraming salamat po Mr. President.