Tolentino hinamon si Duque: Una ka magpaturok ng China bakuna!

Tolentino hinamon si Duque: Una ka magpaturok ng China bakuna!

Hinamon ni Senador Francis Tolentino si Health Secretary Franciso Duque III na manguna sa listahan ng magpapabakuna sa COVID-19 vaccine na dini-develop ng China.

“Mas mainam pa nga siguro Secretary, ikaw iyong maunang nagpaturok eh kaya napilitan siguro si Presidente na siya kasi hindi ka nag-volunteer,” pahayag ni Tolentino kay Duque sa pagdining ng Senate committee of the Whole.

Wala naman direktang sagot si Duque sa hamon ng senador.

“Padadaanin po natin iyan sa proseso ng ating regulatory FDA (Food and Drug Administration) para sigurado po tayo na alinsunod sa kaligtasan, de kalidad at epektibo ng mga bakuna na ito, lalo na kung bago mayroon pong risk na hindi natin alam kung ano ba idudulot nito sa bandang huli,” sagot ni Duque.

Pinasaringan pa ni Tolentino ang kalihim na pag-iwas nito sa mga tanong sa Senado ay patunay lang na hindi ito matapang pagdating sa giyera kontra pandemya.

“Let me remind you Mr. Secretary that your dilly dallying and semblance of evasion in answering the question is probably reflective of your non-bravery being the field marshall of this pandemic war,” sabi pa ng senador.

Inihayag naman ni Duque na may insurance ang mga taong sasali sa clinical trial patra sa COVID-19 vaccine.

“Mayroon pong conditionalities ‘yan and one of which is to make sure that the subjects of clinical trials is insured po sila. Mayroon po silang insurance but hindi ko lang masiguro kung ano extent ng health insurance na kanilang pong kinukuha,” sagot ni Duque sa tanong ni Tolentino.

Nauna nang inihayag ng DOH na may 1,000 Pinoy ang sasama sa Phase 3 ng clinical trial ng Sputnik V vaccine.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda siyang magpaturok ng COVID-19 vaccine na mula sa Russia.


-ABANTE (https://tnt.abante.com.ph/tolentino-hinamon-si-duque-una-ka-magpaturok-ng-china-bakuna/)